Ikinatuwa sa Palasyo ng Malacañang ang magandang estado ng bansa sa Corruption Perception Index of Transparency International.
Ito’t matapos umakyat sa ika-115 na pwesto ang Pilipinasa sa 2023 Corruption Perceptions Index, mula sa dati nitong ranking na ika-116.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, bunga ito ng pagsisikap ng pamahalaan na paikliin ang proseso ng mga transaksiyon sa gobyerno at pigilan ang anumang uri ng korapsiyon sa pamamagitan ng digitalization.
Isang hamon aniya para sa kanila ang nakuhang standing ng Pilipinas para lalo pang palakasin ang digital transformation sa pamahalaan at mabawasan ang mga pagkakataon para sa pandaraya at katiwalian.
Samantala, sinabi naman ni Bersamin na pananatilihin nilang matatag ang gobyerno sa pangako nitong maibigay sa mamamayan ang episyenteng serbisyo publiko.