Ranking ng Pilipinas sa Global Impunity Index, bumaba – palasyo

Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na bumaba sa ika-5 puwesto ang Pilipinas mula sa dating ika-4 na pwesto nitong nakalipas na taon sa committee to protect journalist o CPJ 10th annual Global Impunity Index.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, resulta ito ng binuong Presidential Taskforce on Media Security o PTFOMS ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinamumunuan ngayon ni Undersecretary Joel Egco sa bisa naman ng Administrative Order Number 1.

Ang pagtatatag aniya ng taskforce na mangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga mamamahayag ay patunay lamang na hindi kinukunsinti ng administrasyong Duterte ang karahasan laban sa media at pagkitil sa freedom of the press.


Ginawa ng CPJ ang pag-aaral mula September 1 ng 2007 hanggang Agosto 31 ng 2017 sa mga bansang mayroon 5 o higit pang kasong pagpatay sa media na hindi pa nareresolba sa sampung taon.
Sinabi ni Andanar, marami sa nakita ng CPJ ay nakita sa Malagim na Maguindanao Massacre noong 2009 kung saan mahigit 30 mamamahayag ang napatay.

Tiniyak naman ni Andanar na patuloy ang monitoring ng PTFOMS sa iba pang kaso ng pagpatay sa media at tumutulong para maresolba ang mga ito.

Facebook Comments