Ranking ng Pilipinas sa internet speed, umangat

Umangat ang pwesto ng Pilipinas sa usapin ng bilis ng internet connection.

Base sa Ookla Speedtest Global Index report, ang average download speed sa fixed broadband sa bansa na 58.73 megabits per second (Mbps) ay nagpakita ng 15-notch monthly increase.

Ang 31.97Mbps naman sa mobile internet ay may seven-notch na buwanang pagtaas.


Sa 180 mga bansa, umangat sa ika-65 puwesto ang Pilipinas sa usapin ng fixed broadband, habang ika-77 pagdating sa mobile internet.

Isa sa itinuturing na dahilan nang pagbilis ng internet connection ng Pilipinas ay ang mabilis na pagpapalabas ng permits ng mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatayo ng telco facilities at cellsites.

Facebook Comments