Manila, Philippines – Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde na humihingi ng ransom na halagang limang milyong piso ang armadong grupo na dumukot sa dalawang Pulis sa Patikul, Sulu nitong nakalipas na araw ng Linggo.
Pero nanindigan ang opisyal na hindi nila ibibigay ang limang milyong piso kapalit ng mga binihag na pulis.
Paliwanag ni Albayalde bawal sa gobyerno ang makipagtransaksyon sa anumang grupo na kalaban ng pamahalaan.
Humingi na aniya sila ng tulong sa mga local officials sa lugar para makipag usap sa mga kidnaper at pakawalan na sila PO1 Benie Rose Alvarez at PO1 Dinah Humawad na kanilang dinukot sa Patikul, Sulu.
Hanggang kaninang umaga aniya ay may Proof of life pa galing sa grupo ng mga kidnaper.
Natukoy na rin aniya ng PNP ARMM at PNP Region 9 ang grupong dumukot kina Alvarez at Humawad
Ito ay isang grupo na kaalyado ng ASG na nag ooperate sa Sulu.