Ilulunsad ng ARMM government ang Regional Action Plan on Women, Peace, and Security (RAP WPS) 2017-2019 nito sa Lunes, October 23, 2017.
Ang action plan ay magsisilbing kasagutan ng Pilipinas sa iba’t-ibang international commitments upang tugunan ang mga isyu at hamon sa kababaihan, kapayapaan at seguridad.
Ang Regional Commission on Bangsamoro Women (RCBW)-ARMM, ang mangangasiwa bilang lead agency sa promosyon ng kapakanan ng kababaihan sa rehiyon, pangungunahan din nito ang pagbalangkas, validation at finalization ng RAP WPS 2017-2019 katuwang ang regional agencies, provincial governments at civil society organizations.
Kailangan na mailunsad ang action plan sa buong ARMM upang maunawaan ng mamamayan nito ang commitments ng regional line agencies sa implimentasyon ng Regional Action Plan, ayon kay RCBW-ARMM chairperson Sittie Jehanne Mutin.
Ang ARMM ay kauna-unahang rehiyon sa Pilipinas na nagsimulang magpatupad ng RAP WPS na offshoot ng National Action Plan.
Sinimulan ng ARMM ang implimentasyon ng action plan noong 2012.(photo courtesy: bpi-armm)
RAP-WPS ng ARMM para sa taong 2017-2019, nakatakdang ilunsad!
Facebook Comments