RAPE CASE | 17-anyos na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 15-anyos na dalagita sa Cavite, naaresto na

Cavite – Arestado ang 17-anyos na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita sa Cavite.

Una rito, natagpuang duguan at nakasiksik sa pagitan ng isang nitso at musoleyo sa himlayang Caviteno ang bangkay ni Shaynadyn Alejo.

Nakadapa ito at walang saplot pang-ibaba habang wasak din ang mukha na palatandaang hinampas siya ng matigas na bagay.


Aminado naman ang binatilyo sa nagawa niyang krimen.

Nanawagan ang pamilya ng biktima na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

Facebook Comments