RAPE CASE | Construction worker na matagal nang nagtatago, timbog sa Sta. Mesa, Maynila

Manila, Philippines – Timbog ang isang construction worker na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa nahaharap ito sa kasong rape sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa bisa ng warrant of arrest, hindi na nakapalag pa ang suspek na si Teofilo Peralta ng makorner ito sa kaniyang bahay sa Dama De Noche Street, Barangay Damak sa Sta.Mesa.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa presensiya ng suspek sa lugar kaya at nang puntahan nila ay hindi na nila hinayaan pa na makatakas ito.


Halos isang taon din nagtago ang suspek matapos nitong gahasain ang dalawang menor de edad na kapitbahay at nagdesisyon bumalik sa kanilang lugar sa pag-aakalang nakalimot na ang complainant.

Facebook Comments