Manila, Philippines – Pinaaalahanan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga epekto na idudulot sa mga domestic helpers na nagtatrabaho abroad kasunod ng kanyang biro tungkol sa pagmolestya sa isang kasambahay.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, iginiit ni Robredo na ang ginawang public confession ng Pangulo tungkol sa panghahalay sa isang kasambahay ay maglalagay sa peligro sa mga domestic workers abroad.
Iginiit ni Robredo na walang masama kung magbiro pero may mga paksa na sensitibo at hindi dapat ginagawang katatawanan.
Binanggit ng Bise Presidente ang mga pang-aabusong nararanasan ng mga kababayan nating nagtatrabaho abroad.
Una nang iginiit ng Malacañang na ‘gawa-gawa’ lamang ang kwento ng Pangulo.
Facebook Comments