RAPE | Lalaki, kalaboso sa panghahalay sa mga anak ng kaniyang kaibigan sa Parañaque

Parañaque City – Kalaboso ang isang lalaki matapos halayin ang mga anak ng kaniyang kaibigan sa Parañaque City.

Hinuli ang suspek na si Alfredo De Luna matapos ireklamo ni alyas “Ana” ina ng mga biktima.

Kuwento ni Ana, nagising siya noong Sabado ng madaling araw at nakita ang pangmomolestiya ng suspek sa kaniyang limang taong gulang na babaeng anak.


Aniya, hindi niya namalayan na binuksan ng suspek ang pintuan pero mabuti at naramdaman niyang mayroong nangyayari sa kanyang anak.

Nang maaresto na ang suspek dito inamin ng 18-anyos na isa pang anak ni Ana na nagkaroon din siya ng masamang karanasan sa suspek.

Nabatid na higit 10 taon nang kasa-kasama ng pamilya ni Ana ang suspek, na itinuturing na nilang kapamilya.

Sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ang suspek habang isasailalim sa counseling ang mga biktima.

Facebook Comments