Rape role-playing ng 2 Koreano sa chat, nauwi sa aktuwal na krimen

480

SEOUL, South Korea — Nauwi sa totohanang rape ang role-playing na sinimulan ng dalawang lalaki sa chat.


Noong Agosto nakaraang taon nang mag-message sa isang chat app ang lalaking kinilalang si “A” na nagpanggap na 35-anyos na babae, ayon sa ulat ng The Korea Herald, Abril 21.

“I want to be raped. Looking for a male role play partner,” saad nito.

Nang magapakita ng interes ang lalaking kinilala lamang bilang “B”, nagbigay si A ng address ng tinitirahan niya raw sa Sejong.

Pinuntahan ni B ang address, pinasok ang bahay, at ginahasa ang babaeng sa huli’y napag-alamang walang koneksyon kay A o maging kay B.

Inimbestigahan ng pulisya ang dalawang lalaki makaraang makatanggap ng reklamo.

Batay sa pulisya, sinabi ni A na gusto niya lang pag-tripan si B at hindi niya inasahang mauuwi ito sa aktuwal na panggagahasa.




Iginiit naman ni B na naloko at nagamit lamang din siya, at hindi niya ginusto ang nangyari.

Facebook Comments