Bulacan – Arestado ang isang Sangguniang Kabataan (SK) kagawad at isa pang 17-anyos na menor de edad matapos nilang gahasain ang 16-anyos na dalagita na nakilala nila sa facebook sa Malolos, Bulacan.
Sa ulat, naaresto ang SK kagawad na si Christian Castro at ang menor de edad sa kanilang mga bahay habang pinaghahanap ang dalawa pang suspek na sina Mark Anthony Dela Cruz at Feliciano Hubia.
Dinala ng mga suspek ang babae sa isang abandonadong apartment at doon na nila halinhinang ginahasa.
Depensa naman ng SK kagawad na wala silang planong pagsamantalahan ang babae dahil kagustuhan daw nito ang nangyari.
Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalagita pati na ang naarestong menor de edad na suspek.
Facebook Comments