RAPE SLAY CASE | Iba pang mga suspek na gumahasa at pumatay sa isang 9-anyos na batang babae, pinaghahanap na ng pulisya

T’boli, South Cotabato – Pinaghahanap na ng pulisya ang iba pang mga suspek na gumahasa at pumatay sa isang 9-anyos na batang babae sa bayan ng T’boli, South Cotabato.

Ang nasabing biktima ay kinilala lamang sa alyas na Nikka, isang grade 3 pupil sa isang pampublikong paaralan sa nasabing bayan.

Naganap ang panggagahasa sa Barangay Poblacion kung saan dadalo sana sa piyesta ang nasabing bata upang makisaya.


Ngunit habang naglalakad ito ay bigla na lamang itong hinila ng limang kalalakihan at dinala sa madilim na parte ng lugar at doon na ito ginahasa ng paulit-ulit saka sinaksak ng ilang beses sa tiyan.

Nasakote naman sa hot pursuit operation ang tatlo sa limang suspek na naliligo sa ilog at may bakas ng dugo ang mga katawan matapos gawin ang krimen.

Facebook Comments