Kalaboso sa jail facility ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang isang indibidwal matapos lumabag sa R. A. 8353 o (Anti-Rape Law).
Sa impormasyon mula kay DOS COP Police Major Romel Dela Vega, mismong ang 20 anyos na biktima na hiwalay sa asawa na kasama ang kanyang mga kaanak ang dumulog kahapon sa Police Station upang ireklamo ang panggagahasa sa kanya.
Ayon sa kwento ng biktima, nangyari ang panggagahasa alas dose ng gabi noong May 4, 2020 at binantaan umano ng suspek na papatayin ang biktima kung magsusumbong ito sa mga otoridad.
Agad namang nagsagawa ng follow up operation ang pinagsanib na pwersa ng DOS PNP, 7IB at 6ID at nahuli ang isang lalaki na hindi pinangalanan, isang 40 years old, may asawa at residente din ng nasabing bayan.
Ayon pa kay Dela Vega sa kasalukuyan ay nasa lock up cell na ang suspek at nakatakdang sasampahan ng kasong rape.
Napagalaman rin na ang suspek ay may dati nang kaso na Violation of Section 15 of Republic Act 9165 o (Anti-Dangerous Drugs Act) sa Regional Trial Court Branch 15 sa lungsod ng Cotabato.
Google Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>