Rape threat ng ilang sundalo sa mga kababaihang evacuees mula sa Marawi, kinumpirma ng Karapatan

Manila, Philippines – Kinumpirma ng grupong Karapatan na may ilang kababaihang evacuees mula sa Marawi City ang nakatanggap ng pagbabanta ng rape mula sa mga sundalo.

Sa interview ng RMN kay Secretary General Maria Cristina Palabay – posibleng masira ang imahe ng sundalo kapag hindi ito naaksyunan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Iginiit din ni Palabay, na dapat imbestigahan ng AFP ang mga ganitong kaso sa halip na sabihin itong ‘fake news’.

Ipinunto pa ng grupo na panahon pa ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay marami ng kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan.


Facebook Comments