Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Regional Public Information Officer 2 PLTCOL. Efren Fernandez II, may kalakip na pamamaraang ginagawa ang kapulisan gaya ng tinawag nilang ‘Silid para kay Nene’ o ang pagkakaroon ng hiwalay na kwarto ang babaeng anak.
Matatandaan na kabilang ang mga probinsya ng Isabela, Cagayan at Nueva Vizcaya na may mga naitalang mataas na kaso ng Rape na karamihan sa mga biktima ay pawang mga menor de edad.
Samantala, nakapagtala ng higit kumulang 3,000 krimen ang naitala sa ikatlong quarter sa buong rehiyon dos hanggang sa bumaba ito sa halos kalahati nito lamang ikaapat na quarter.
Patuloy naman ang paghimok ng kinauukulan sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak at huwag basta ipagkatiwala kung kanino upang matiyak na mailalayo sa anumang kapahamakan ang ito.