Rapid antibody test, inaasahang hindi na magagamit pagkatapos ng MECQ

Inaasahang hindi na gagamitin ang rapid antibody testing kit pagkatapos ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Agosto 18, 2020.

Batay ito sa listahan ng Department of Health (DOH) sa kung ano ang mga aasahan pagkatapos ng 14 na araw na MECQ sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga pasyenteng may sintomas ng virus sa mga luagr na nasa ilalim ng MECQ ay isasailalim sa swab test at hindi na sa rapid test.


Bukod dito, aalisin na rin ang probable, suspected o confirmed COVID-19 cases o kahit ang kanilang mga contact na naka-home quarantine, maliban na lamang kung kwalipikado para sa home quarantine ang lugar at maisasalang sa assessment ng DOH.

Sa panahon ng MECQ, ang bawat household ay isasailalim sa symptoms check at kapag may sintomas, history o nakasalamuhang positibo sa COVID-19 ay kailangang sumailalim sa swab test at hindi na sa rapid test.

Kasama rin sa listahan ang kaalaman at pagsunod ng mga tao sa minimum health standard gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.

Pagdating sa contact tracing, hindi bababa sa 37 na tao ang dapat matukoy sa kada kumpirmadong kaso.

Target din ang 100 perent na pagtukoy sa cluster, pag-contain at pag-isolate sa mga ito.

Facebook Comments