Rapid antigen testing, puwedeng gamitin sa Boracay kapag nagtagumpay ang pilot testing sa Baguio – Malacañang

Maaaring gamitin ang rapid antigen testing sa Boracay at iba pang tourist areas kung ang pilot testing nito sa Baguio City ay nagtagumpay.

Sa ilalim ng antigen test, hinahanap nito ang viral proteins mula sa mga sample na nakokolekta sa pamamagitan ng nasal swab.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang antigen testing ay mas mura at mabilis na diagnostic test para sa COVID-19 kumpara sa Polymerase Chain Reaction (PCR) test na kasalukuyang nire-require sa mga turista.


“Actually po sa huling pagpupulong ng IATF, I also suggested na i-pilot na rin sa Boracay ang antigen. Pero ang naging desisyon po, tapusin na muna iyong pilot sa Baguio at kung maging tagumpay iyan, ia-apply naman po iyan sa ibang mga tourist destinations kagaya ng Boracay,” ani Roque.

May ilan aniyang negosyante sa Boracay ang nagsasabing mabagal ang tourism activity sa isla bunga ng PCR test requirement sa mga bumibisita.

“Ang problema nga po, ang tingin ng mga negosyante rito, isa sa dahilan kaya hindi pa rin dinadagsa ang Boracay ngayon ay dahil iyong PCR test na kinakailangan 48 hours. So, ang isinasangguni nila ay i-pilot na dito iyong antigen na mas mabilis, 15 to 30 minutes lamang, at saksakan na mas mura kaysa sa PCR test,” sabi ni Roque.

Sinabi rin ni Roque na handa ang Boracay na tumanggap ng foreign tourists pero duda siya lalo na may ipinatutupad na quarantine requirement.

  1. Matatandaang binuksan ang Boracay sa mga turistang galing sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community quarantine (GCQ).
Facebook Comments