Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang assessment sa mga munisipalidad na naapektuhan ng Bagyong Karding sa Region 4-A.
Layon nito na matukoy ang epekto ng kalamidad at makapaghatid ng mga pangangailangan sa mga apektadong pamilya at komunidad bilang batayan para sa pagbibigay ng augmentation support sa mga Local Government Unit.
Batay sa naunang ulat na nakalap ng DSWD mula sa mga Local Government Unit, hindi bababa sa 7,600 pamilya ang nawalan ng tirahan ng Bagyong Karding sa 48 munisipalidad sa buong rehiyon.
Kabilang na rito ang limang munisipalidad sa Polillo Group of Islands.
Personal na ring binisita ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang Isla ng Jomalig sa Quezon para kumustahin ang sitwasyon ng mga nasalanta ng bagyo.