Rapid test kits, hindi kailangan ng approval mula sa bansang pinagmulan nito bago gamitin sa Pilipinas – FDA

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ang rapid test kits products ay hindi na kailangan ng authorization mula sa bansa kung saan ito manggagaling bago payagang gamitin sa Pilipinas.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang mga produkto ay kailangan lamang ng approval mula sa counterpart agency ng ibang bansa at hindi kailangan kung saan ito na-manufacture.

Kabilang sa mga counterpart agency ay United States FDA, Therapeutic Goods Authority, European Union, Health Science Authority, Pharmaceutical and Medical Device Authority, Ministry of Food and Drug Safety at iba pa.


Dagdag pa ni Domingo, lumalakas ang testing capacity ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kung saan nakakapagsagawa na sila ng 300 test kada brand.

Magsasagawa ng limited evaluation ang RITM sa mga produkto na magtatagal ng anim hanggang walong linggo.

Mula nitong May 22, ang FDA ay nakapag-apruba ng 104 test kit products para sa COVID-19 diagnosis, kabilang ang 59 rapid testing at 45 para sa PCR-based testing.

Karamihan sa mga test kit ay mula China, Singapore, United States, Germany, Ireland, Italy, France, South Korea, Australia, Turkey, UK, Spain, at Luxembourg.

Ang nag-iisang produkto mula sa bansa na naaprubahan ay ang gawa ng Marikina City-based Manila HealthTek Inc.

Facebook Comments