Rapid test sa Supreme Court employees at officials, ipinagpatuloy ngayong araw

Ipinagpatuloy ngayong araw ang rapid anti-body testing sa lahat ng justices, officials at mga empleyado sa Supreme Court.

Nauna rito, sinuspinde ng Supreme Court ang trabaho at ini-lockdown muna sa loob ng limang araw ang kanilang mga opisina o buong gusali.

Nakasaad sa Memorandum Circular Number 07-2020 ni Chief Justice Diosdado Peralta na layon ng lockdown na bigyang daan ang disinfection, at sanitation sa lahat ng kwarto o mga opisina sa buong gusali ng korte suprema.


Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 rapid test ng ilang mga opisyal at mga empleyado ng Supreme Court.

Nabatid na sinimulan ang disinfection, paglilinis at sanitation nitong nagdaang Sabado, July 18, 2020 at ipinagpatuloy ngayong araw.

Facebook Comments