“Rapidpass” system na layong mabawasan ang person to person contact ng mga frontliners sa mga checkpoint, ilulunsad ng IATF ngayong araw

Pormal na ilulunsad ngayong araw ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang ‘Rapidpass’ system.

Ang Rapidpass ay isang virtual identification system na layong mapabilis ang pagpasok sa checkpoint ng mga truck at cargo ng mga essential goods at mabawasan ang person to person contact sa mga frontliners.

Isa itong QR-code-based technology na pwedeng i-download sa rapidpass.ph o i-print saka ipapaskil sa labas ng sasakyan.


Bibigyan naman ng device ang mga pulis na nagbabantay sa checkpoint para i-scan ang QR code.

Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, pasado sa isinagawang test run ng PNP at AFP ang Rapidpass.

Ang Rapidpass system ay kinomisyon ng Department of Science and Technology katuwang ang non-profit organization na Developers Connect O DEVCON PH.

Facebook Comments