Rapist sa Cagayan, Tinutugis na ng PNP!

Cauayan City, Isabela- Nasa Tatlumpong Libong piso ang pabuya sa mga makakapagturo sa suspek na may dalawang kasong panggagahasa sa isang dose anyos at trentay kwatro anyos na babae sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Provincial Director Warren Tolito ng PNP Cagayan sa programang Straight to the Point ng DWKD RMN Cauayan kaninang umaga, Abril bente tres taong kasalukuyan.

Ayon kay Provincial Director Tolito, kasalukuyan ang kanilang isinasagawang operasyon upang matugis ang suspek na nangagahasa sa mga kababaihan sa naturang lalawigan.


Aniya, batay sa ipinalabas na carthographic sketch ng suspek, ito ay may taas na mahigit limang talampakan, katamtaman ang pangangatawan, pahaba at mejo patrayanggulo ang mukha, may bigote sa baba at laging naka sumbrero.

Kaugnay nito ay maaari umanong ipaalam o itawag sa mga himpilan ng PNP Cagayan, o di kaya’y sa mga barangay kung nakita man o kakilala ang naturang suspek.

Pinag-iingat pa ni PD Tolito ang mga kababaihan sa lalawigan ng Cagayan maging ang probinsya ng Isabela upang hindi na mabiktima ng suspek sa pangagahasa.

Facebook Comments