Rapper na si Loonie at 4 iba pa, arestado sa buy-bust operation sa Makati

454
Images from Makati Police

Nadakip sa isinagawang drug buy-bust operation ng Makati Police ang kilalang rapper na si Loonie at apat na iba pa nitong Miyerkules ng gabi.

Pahayag ni Makati Police Chief Police Senior Supt. Rogelio Simo, nahuli sina Loonie o Marlon Peroramas sa totoong buhay at mga kasamahan niya sa parking lot ng isang hotel sa Brgy. Poblacion, bandang alas-8:45.


Ayon pa kay Simo, isang buwan na umanong minamanman ng operatiba ang grupo ng musikero.

Nakuha sa mga naaresto ang 15 sachet ng kush o high-grade marijuana na nagkakahalagang P100,000, cellphone at marked money.

Kabilang sa mga naaresto ay sila Idyll Liza Peroramas na kapatid ng rapper, David Rizon, Ivan Agustin at Albert Alvarez.

Pero mariing itinanggi ni Loonie ang paratang sa kaniya. Depensa ng mang-aawit, na-frame up siya at planted ang mga ebidensiyang nasabat.

Aniya, pumunta sila sa nasabing lugar para bisitahin ang isang tagahangang nagngangalang Shawn na mayroon sakit na leukemia.

Facebook Comments

From Advertisers