Rappler, bigong maipabasura ang kaso nilang tax evasion sa DOJ

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na dapat mapanagot sa kasong tax evasion ang Rappler Holding Inc.

Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon, ibinasura ng DOJ ang motion for reconsideration na inihain ng Rappler Holdings Corporation, Rappler CEO Maria Ressa at accountant na si Noel Baladiang.

Ayon sa DOJ prosecutors, wala silang nakikitang bagong argumento para baligtarin ang naunang resolusyon na nagresulta sa pagsasampa ng 5 kaso laban sa mga akusado.


Nag-ugat ang kaso ng Rappler dahil sa kabiguan nilang ideklara sa 2015 tax returns ang kinita nila mula sa pag-iisyu ng Philippine depositary receipts kung saan sinasabi ng BIR na aabot sa P162.5 million ang kinita nila sa nasabing transaksyon.

Facebook Comments