Rappler, bumuwelta matapos sabihing “bayaran” ang mga investigative journalist

Manila, Philippines -Pumalag ang online news organization na Rappler kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihing “binayaran” ang mga investigative journalist para atakehin siya.

Sa pahayag ng Rappler, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng pagsusulat ng istorya base sa facts.

Tila reflex na ng Pangulo na akusahan ang media at ang mga hindi sumasang-ayon sa kanya ay palaging tinatawag na “bayaran” o may “hidden agenda”.


Iminungkahi ng Rappler sa Pangulo na tugunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa at tigilan na ang pagbanat sa kanila.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi dapat naniniwala ang publiko sa investigative report at non-existent ang investigative journalism sa bansa.

Facebook Comments