Rappler CEO Maria Ressa, naghain ng “not guilty” plea para sa tax evasion case

Naghain ng “not guilty” plea sa court of tax appeals si Rappler CEO Maria Ressa.

 

Kaugnay ito ng kinahaharap niyang tax evasion at incorrect declaration of tax returns cases.

 

Matatandaang sinampahan si Ressa ng tatlong bilang ng paglabag sa section 255 at isang bilang ng kasong paglabag sa section 254 sa ilalim ng National Internal Revenue Code dahil sa umano’y kulang na mahigit P70-milyong buwis noong 2015 nang ibenta ng Rappler ang Philippine depository receipts nito sa NBN Rappler l.P. At Omidyar Network Fund LCC.


 

ITINAKDA naman sa May 15 ang pagdinig sa kaso ni Ressa kung saan ipi-presenta ng prosekusyon ang testimonya ng isang Jocelyn Bautista.

 

Samantala, pinagbigyan naman ng CTA ang hiling ni Ressa na makabiyahe papuntang italy at new york mula ngayong araw, April 3 hanggang April 14 para magsalita sa isang journalist conferencet at women’s summit.

Facebook Comments