Rappler CEO Maria Ressa, pinayagan ng Korte na mag lagay ng travel bond kaugnay ng kanyang mga biyahe sa abroad

Pinayagan ng Manila RTC Branch 46 si Rappler CEO Maria Ressa na mag lagay ng 300-thousand pesos na travel bond sa kasong cyberlibel.

 

Kaugnay ito ng nakatakdang mga biyahe sa abroad ni Ressa ngayong buwan ng Marso hanggang sa Abril.

 

Kabilang sa mga bansang pupuntahan ni Ressa ay Singapore, Italy, New York at San Francisco sa USA.


 

500-thousand pesos ang unang piyansang inirekomenda ni Presiding Judge Rainelda Montesa subalit humirit ang kampo ni Ressa na bawasan ito na siya namang pinagbigyan ng hukom.

Facebook Comments