Rappler CEO Maria Ressa, sinilbihan ng warrant of arrest ng NBI kaugnay sa sinampa sakaniyang cyber-libel

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang pagsisilbi ngayon ng NBI ng warrant of arrest laban kay online news site Rappler CEO Maria Ressa.

May kaugnayan ito sa kanyang kasong cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng kaugnay ng mapanirang artikulo ng online news site noong 2012.

Partikular ang pagpapagamit daw ni Keng ng SUV kay yumaong Chief Justice Renato Corona.


Nilinaw naman ni Guevarra na maaari namang magpiyansa si Ressa sa Pasig RTC.

Gayunman pansamantala munang dadalhin sa NBI headquarters si Maria Ressa.

Bukod sa kasong cyber libel, may kinakaharap din si Ressa at ang Rappler na kasong tax evasion.

Facebook Comments