Rappler CEO Maria Ressa, sumasailalim na sa booking procedure sa Pasig

Nasa loob na ng Pasig Police Warrant and Subpoena Section si Rappler CEO Maria Ressa ito ay matapos siyang maaresto sa Ninoy Aquino International Airport kanina.

Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Ressa dahil sa anti-dummy law.

Nadiskubre kasi na ang Rappler ay pag-aari ng dayuhang kumpanya dahilan para kanselahin ang kanilang registration.


Alas 8 ng umaga nang dumating sa istasyon ng pulis si Maria Ressa para sumailalim sa booking procedure.

Ayon kay Maria Ressa, ito ay panibagong pag-atake na naman sa kanyang karapatan at press freedom.

Sinabi pa ni Ressa na wala siyang ginagawang mali pero bakit tila kriminal ang tingin sa kanya ng pamahalaan.

 

Bukod kay Ressa, mayroon pa siyang anim na kasama na una ng naaresto at nakapagpyansa na kaya at inaasahan na ganito din ang kanyang gagawin.

Facebook Comments