Rappler Chief Maria Ressa, malayang ihayag ang anumang gusto nito sa pamahalaan

Nilinaw ng Malacañang na may karapatan si Rappler Chief Maria Ressa na ihayag ang anumang gusto nitong sabihin sa administrasyon pero dapat niyang ikonsidera ang paghahatol sa kanya ng guilty sa cyber libel.

Paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Ressa na nilabag nito ang batas nang sinira nito ang reputasyon ng isang pribadong indibiduwal.

Pinayuhan din ni Roque si Ressa na harapin na lamang ang kanyang cyber libel conviction.


Bukod kay Ressa, hinatulan ding guilty sa cyber libel ang writer-researcher na si Reynaldo Santos Jr.

Nabatid na nanawagan si Ressa sa mga Pilipino lalo na sa mga mamamahayag na protektahan ang kanilang karapatan dahil ang nangyari sa kanya ay magsisilbing “cautionary tale.”

Facebook Comments