Rappler, hinamon ni Atty. Larry Gadon na ipakita ang unang video na nagpapakita na minumura ang mga pulis ng dayuhang pinosasan sa loob ng kaniyang private property

Hinamon ni Atty. Larry Gadon ang news online na Rappler na ipakita rin ang unang parte ng video na nag viral kung saan ipinapakita na pinosasan nang nakadapa sa loob ng kaniyang bakuran ang foreigner na si Javier Salvador Parra.

Ayon kay Gadon, nagmumukhang abusado at mapaniil ang mga otoridad sa report ng Rappler.

Ani Gadon, mayroon siyang kopya ng unang video na nagpapakita na lasing at minumura ni Parra ang mga pulis makati.


Dapat din ani Gadon na kinuha ng Rappler ang panig ni barangay Chairwoman Rosanna Hwang ng Dasmarinas village na humiling sa responde ng mga pulis dahil sa pagsuway ng dayuhan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Batay sa report ng bantay bayan, sinita nila ang kasambahay ni Parra dahil nagdidilig ng halaman sa labas ng kaniyang bahay nang walang suot na facemask.

Sa puntong ito lumabas ang dayuhan na nagwawala at minumura ang mga   pulis dahilan upang siya ay posasan at arestuhin.

Apela ni Gadon sa publiko, huwag agad husgahan ang mga pulis na sinusuong ang peligro para matiyak na hindi kumalat ang virus.

Facebook Comments