Rappler, hindi magpapasindak matapos ilabas ng Palasyo ang bagong ouster matrix

Photo Courtesy: Charles Salazar / RAPPLER

Manila, Philippines – Pinalagan ng online news organization na Rappler ang Malacañang matapos muling idawit sa destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Rappler ay isa sa media outlets na isinama sa matrix na isiniwalat ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sa statement, iginiit ng Rappler na mapanira at mapanganib ang ginawa ng Palasyo.


Sinabi pa ng Rappler na napatunayan sa teknolohiya na kapag ang isang kasinungalingan ay binanggit ng milyung beses ay nagiging katotohanan.

Lalo na kung palagi itong ikinakampanya sa social media, government co-opted media at mula sa Malacañan.

Malinaw na mayroong consequences kapag palaging nagtatanong ang mga journalist.

Nanindigan naman ang Rappler na hindi mapapatahimik at magpapasindak ang independent media sa mga kalokohang diagram at walang kwentang script.

Bukod sa Rappler, nabanggit din sa matrix ang ilan pang media organizations tulad ng Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Facebook Comments