Rappler, hiniling sa Manila RTC na ibasura ang cyber libel case laban kay Maria Ressa

Manila, Philippines – Ipinababasura ng kampo ni Rappler CEO Maria Ressa ang kasong cyber libel na kinakaharap nito ngayon sa Manila Regional Trial Court Branch 46.

Sa kanilang motion to quash, hiniling ni Human Rights Lawyer at dating Supreme Court Spokesman Theodre Te kasama ang mga abugado ng Free Legal Assistance Group na walang basehan ang cyber libel case nina Ressa at dating Rappler reporter na si Reynaldo Santos Jr.

Iginiit ni Te na Abril 2014 nang maisapinal ang Cybercrime Law kung kaya at hindi pasok sa cyber libel ang pag-republish ng article ng Rappler noong February 2014 laban sa negosyanteng si Wilfredo Keng.


Nabatid na 2012 pa naisulat ng Rappler ang article na nagsasabing pagmamay-ari ni Keng ang SUV na ginamit daw ni yumaong Chief Justice Renato Corona pero ito ay na-update noong 2014 dahil sa typographical error.

Paliwanag pa ni Te, magkaiba ang ‘updated at ‘republish’.

Facebook Comments