Rappler, nagpasaklolo na sa Korte Suprema kaugnay ng nationwide ban sa kanila sa pag-cover sa Pangulong Duterte

Dumulog na sa Supreme Court ang kampo ng online news site na Rappler para ipatigil ang anila’y nationwide ban sa kanila sa pag-cover sa events ni Pangulong Rodrigo Duterte

 

Isinumite ng Rappler sa SC ang kanilang petition for certiorari at application for writ of preliminary mandatory injunction

 

Ayon sa mga reporter at manager ng Rappler na tumatayong petitioner sa kaso, ang pagbabawal ng Pangulo sa kanilang mga mamamahayag na sumama sa mga event ng Pangulo ay paglabag sa press freedom, free speech, due process, at equal protection.


 

Naniniwala ang Rappler na ang ban ng Pangulo ay isang paghadlang o pagpigil sa kanilang karaptan.

 

Noong March 1, 2018, sinabi ng Rappler na naglabas ang Pangulong Duterte ng isang open-ended order  na sa kanilang paniwala ay nagbabawal sa kanila na gampanan ang kanilang tungkuling na i-cover ang Pangulo.

Facebook Comments