Raptors abante na sa NBA finals

349

Abante na sa NBA finals ang Toronto Raptors matapos na selyuhan ang serye nila ng Milwaukee Bucks, 100-94.

 

Nanguna sa panalo ng Raptors ang Star Player nitong si Kawhi Leonard na umiskor ng 27 points, 17 rebpunds at 7 assists.


 

Inasistehan siya nina Pascal Siakam na may 18 points, Kyle Lowry, 17 at Van Vleet sa kanyang 14 markers.

 

Hindi naman umubra ang 21 points ni Giannis Antetokoumpo para dalhin sa game 7 ang Bucks.

 

Sa biyernes, March 31 (oras dito sa Pilipinas) maghaharap sa game 1 ng NBA finals ang Raptors at Golden State Warriors.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatuntong ng finals ang Raptors.




Facebook Comments