Raptors guard Kyle Lowry, magiging mas agresibo sa game 3 ng NBA Finals bukas

Tiniyak ni Toronto Raptors guard Kyle Lowry na mas magiging agresibo siya sa game 3 ng NBA Finals kontra Golden State Warriors.

 

Ito ay lalo pa’t sa balwarte na ng Warriors gaganapin ang kanilang best-of-seven-series.

 

Ayon kay Lowry mas lumalabas ang kanyang galing sa road games kahit ito ang pinakamahirap.


 

Gaganapin ang game 3 bukas ng umaga, oras dito sa Pilipinas.

Facebook Comments