Raquel Pempengco, sumama ang loob sa ginawang desisyon ng anak hinggil sa pagpapalit ng pangalan nito

Manila, Philippines – Naghihinakit ngayon ang nanay ni Charice matapos itong mag-desisyon na magpalit ng pangalan.

Ayon kay Ginang Raquel Pempengco, ikinagulat niya ang pagbabagong ginawa ng anak na kung saan mas kilala na ito ngayon bilang si Jake Zyrus.

Dagdag pa ni Mother Raquel, hindi niya pinalaki ng ganito ang anak at mismong siya daw ang nagbigay ng pangalang Charice sa kaniya.


Wala naman din daw masamang nangyari sa kanila mula nang humiwalay siya sa anak at tahimik na tumira sa Quezon Province pero patuloy pa din daw siyang gumagawa ng paraan para makausap si Jake Zyrus subalit mismong ang singer na ang lumalayo sa kanila.

Sa huli, ipinagdarasal na lang ng ginang na magiging maayos ang takbo ng buhay ng anak at umaasang makakabangon ito sa kaniyang singing career.

Facebook Comments