RATE PROGRAM | Mga kasong naisampa ng BIR sa DOJ, umabot na sa mahigit 200

Manila, Philippines – Umaabot na sa 221 ang mga kasong naisampa ng BIR sa DOJ mula nang ipatupad ang rate program nito.

Pinakahuling kinasuhan ng BIR ang anim na kumpanya na hindi nagbayad ng kanilang buwis sa pamahalaan.

Partikular dito ang:
1. Anglobuilders Construction and Development, Inc.
2. Citistar Transport
3. Dimanche Quality
4. Healthy You
5. Inter-Network
6. Rishamae Fastruck


Kabuuang 81.59 million pesos na hindi nabayarang buwis at multa, ang hinahabol ng BIR sa anim na nabanggit na kumpanya.

Facebook Comments