Ratification sa trade deal sa pagitan ng Pilipinas at European Free Trade Association, pinamamadali ni Senador Drilon

Manila, Philippines – Pinamamadali ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ratipikasyon sa Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng European Free Trade Association o EFTA na naiselyo noon pang April 2016.

Binigyang diin ni Drilon na mapabubuti nito ang relasyon ng Pilipinas sa mga bansang kasapi ng EFTA.

Makakatulong din aniya ito sa ating ekonomiya at sa mga local exporters.


Ang pahayag ay ginawa ni Drilon, matapos ang kanyang pulong sa liderato ng EFTA Parliamentary Committee sa Oslo, Norway.

Samantala, maliban kay Drilon ay nasa United Kingdom ngayon ang walong senador sa pangunguna ni Senate President Koko Pimentel para dumalo sa British Interparliamentary Union o IPU.

Ayon kay Pimentel, kasama sa agenda sa tatlong araw na pagbisita ang pagpapaigting ng kalakalan sa pagitan ng UK at Pilipinas.

Facebook Comments