Natanggap na ng Office of the President ang ratified copy ng proposed 2019 national budget.
Ito ay matapos lagdaan at ipadala kahapon ng Kongreso ang panukala matapos ang maraming buwang diskusyon at ang sinasabing paggalaw ng Kamara sa proposed bill kahit pa dumaan na ito sa ratipikasyon.
Matatandaan na sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na dadaan sa matinding pagaaral ang proposed budget upang matiyak na hindi nito malalabag ang saligang batas o anomang umiiral na batas sa bansa.
Sinabi ni Panelo na sakaling makakita ang Pangulo ng probisyon na hindi naaayon sa saligang batas ay tiyak na gagamitin ni Pangulong Durterte ang kanyang veto power o ibabasura ang iligal na probisyon ng panukala.
Hindi naman masabi ni Panelo kung kalian lalagdaan ng Pangulo ang budget dahil bubusisiin pa ito ng Pangulo at ng kanyang tanggapan.