
Tuloy na mamayang hapon ang ratipikasyon ng P6.793 trillion na 2026 national budget.
Ito ay kasunod ng paglagda kahapon ng mga mambabatas mula sa Senado at Kamara sa final copy ng badyet na inaprubahan ng bicameral conference committee.
Pagkatapos ng hiwalay na pagpapatibay mamaya ng dalawang kapulungan ng Kongreso, agad na isusumite ang enrolled copy sa opisina ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Gayunman, inihayag na ni Executive Secretary Ralph Recto na posibleng sa unang linggo ng January pa lagdaan ng Pangulo ang pambansang pondo dahil pag-aaralan pa ito nang mabuti.
Ibig sabihin, ilang araw ay maaring ma-reenact ang budget, ngunit hindi naman nangangamba ang mga senador hinggil dito.
Facebook Comments










