Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ‘unang hakbang’ tungo sa kapayapaan ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ito ang pahayag ng Bise Presidente kasabay ng buong suportang ibibigay BOL ratification.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na marami pa ang kanilang gawin at resolbahin para makamit ang kapayapaan lalo na sa Mindanao.
Hinikayat ni Robredo ang mga residenteng boboto na suportahan at paboran ang BOL.
Aniya, mahagalang marinig ang boses ng mga botante hinggil dito.
Umaasa rin si Robredo na magiging mapayapa ang plebisito.
Ang BOL plebiscite ay gaganapin ngayong araw, January 21 sa ARMM, at sa mga lungsod ng Cotabato at Isabela, at sa February 6 sa Lanao del Norte at North Cotabato.
Facebook Comments