Patay na umano si Raymond Dominguez ng Dominguez carnapping group na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).
Si Dominguez ay suspek sa pagpatay kay Venson Evangelista.
Ito ang ipinahayag ni Arsenio Evangelista, pangulo at tagapagsalita ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
Ayon kay Evangelista, batay sa nakuha niyang impormasyon, binawian ng buhay si Domingo sa ospital ng Maynila.
Nagpadala na ng tauhan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa NBP upang mag-imbestiga at mag autopsy.
Hindi naman malinaw kung ano ang sanhi ng ikinamatay ni Domingo.
Facebook Comments