Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang Resolution of Both Houses No. 7 o panukalang economic Charter Change.
289 na mga kongresista ang bomoto pabor sa RBH 7, 7 ang kontra at 2 ang abstain.
Nakapaloob sa RBH 7 ang pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution partikular ang Articles XII, XIV at XVI.
Diin ng mga may-akda ng ang RBH No. 7, ang panukala ay nakatutok lamang sa “key areas” gaya ng public utilities, edukasyon, at advertising, para sa pag-unlad pa ng ating bansa, at ikabubuti ng mamamayang Pilipino.
Facebook Comments