RBH No. 6 na nagpapatawag ng “Constitutional Convention o Con-Con,” lusot na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na nagpapatawag ng “Constitutional Convention o Con-Con,” para sa Charter Change o Cha-Cha.

301 mga kongresista ang bomoto pabor sa pagpapatibay ng resolusyon na 93% ng kabuuang miyembro ng Kamara habang 6 ang tumutol at 1 ang nag-abstain.

Sa ilalim ng RBH No. 6 ay itinutulak na isagawa ang pagpili sa magiging delegado ng Con-Con kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30, 2023.


Mga “economic provisions” naman ang tina-target na amyendahan sa ating 1987 constitutions.

Bago pagtibayin ang RBH No. 6 ay nagsagawa muna ng Majority Caucus ang lahat ng partido sa Kamara na binubuo ng Majority Coalition sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang lider ng Kapulungan kung saan tiniyak ng hindi bababa sa 300 kongresista ang suporta sa RBH No. 6

Facebook Comments