RC Muñoz, nadulas sa tunay na relasyon nina JM De Guzman at Ria Atayde 

Naiintriga ngayon ang netizen sa kung ano ang totoong status Nina JM De Guzman at Ria Atayde.

Nag-ugat ito nang tanungin sina JM at RC Muñoz sa press conference ng pelikula nilang “last fool show” ng hanggang saan dapat magpakatanga ang isang tao sa pag-ibig.

Say ni JM, depende kung worth it ang tao kung kanino ka magpapakatanga sabay segue na kailangan niya ng taong magaling mag-advice gaya ni RC.


Dito na nabanggit ni RC ang pangalan ni Ria kung saan tila pinigilan pa siya ni JM.

Pero kalaunan, itinanggi ni RC ang tsismis na magkasintahan sina JM at Ria.

Inamin naman ang aktor na “good friends” sila ni Ria at masaya si JM sa kung anong meron silang dalawa.

Facebook Comments