RCBC at Philrem Service Corporation, pinakakasuhan na ng Dept. of Justice

Manila, Philippines – Pinakakasuhan na ng Dept. of Justiceang mga opisyal ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) at PhilremService Corporation ng paglabag sa anti money laundering.
 
  Sa 12-pahinang consolidated review resolution — eightcounts ng paglabag sa Republic Act 9160 o anti money laundering act angisinampa laban kay Maia Santos-Deguito, manager ng RCBC Jupiter Branch sa Makati.
 
  Nahaharap din sa kaparehong kaso ang bank depositors nakinilala lamang sa mga pangalang: Michael Francisco Cruz, Jessie ChristopherLagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez.
 
  Apat na ulit na reklamong paglabag sa ra 9160 ang inihainsa mga may-ari ng Philrem na sina Salud Bautista, Michael Bautista at AnthonyPelejo.
 
  Ito ay matapos na mapatunayan ng DOJ na nakipagsabwatansi Deguito sa mga depositor nang aprubahan nito ang pagbubukas ng bank accountskung saan idineposito ang 81-million dollars mula sa Bangladesh bank.
 
  Giit pa ng DOJ, hindi pwedeng gawing depensa ng mgaopisyal ng Philrem na wala silang alam sa nangyaring pagnanakaw sa Bangladesh bank.
 
  Matatandaang noong February 16, 2016 ay na-hack ang Bangladeshbank kung saan ang $81 million na pondo nito ay napunta sa Pilipinas sapamamagitan ng payment instruction na natanggap ng Federal Reserve Bank of NewYork.

Facebook Comments