Rcbc Branch Manager At Isa Pa, Kinasuhan Sa Makati Prosecutor’S Office

20

MANILA – Naghain ng panibagong kaso sa Makati Prosecutor’s office si Filipino-Chinese businessman William Go laban kina RCBC Branch Manager Maia Deguito at Angela Torres.Kasong two counts ng falsification ng private documents ang isinampa ni Go laban kina Deguito at Torres.Iginiit ni Go sa kanyang reklamo na pineke ang kanyang pirma ng mga salarin sa pagbubukas ng bank accounts kung saan nagprisinta pa ito ng mga ebidensya.Nag-ugat ang reklamo sa sinasabing 81-million U.S. dollars money laundering na kinasasangkutan nina Deguito at Torres.Si Go ang sinasabing may-ari ng account kung saan nilipat ang naturang salapi na ninakaw daw mula sa Bangladesh bank bago ito inilusot sa mga casino.

Facebook Comments