Rcbc Branch Manager Maia Deguito, Nagisa Sa Ikalawang Pagdinig Ng Senado Sa Money Laundering Sa Bansa

3

MANILA – Idiniin ng RCBC ang branch manager nito na si Maia Santos-Deguito sa money laundering ng 81 million dollars na ninakaw mula sa Bangladesh bank.Sa ikalawang pagdinig ng Senado, sinabi ni dating RCBC Jupiter Branch Customer Service Head Romualdo Agarrado na mismong si Deguito ang nag-utos na ilabas ang perang ninakaw sa Bangladesh.Dinamay rin ng RCBC ang isang Angela Torres na umanoy kasabwat ni Deguito.May pagkakataon din ayon sa RCBC na pineke ni Deguito ang pirma ng isa nilang kliyente para mawithdraw ang 20 million pesos.Itinanggi naman ni Deguito na may banta sa kanyang buhay at muling iginiit ang kanyang right against self incrimination.Samantala, dahil sa patuloy na pagtanggi ni Deguito na sumagot, naghain si Sen. Juan Ponce Enrile ng mosyon para ma-contempt ito.

Facebook Comments