RD PBGen. Casimiro, Nangunguna sa ICER!

40

Cauayan City, Isabela- Nanguna sa Individual Commanders Evaluation Rating (ICER) sa bansa si PBGen Angelito Casimiro bilang Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO-2).

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, pangatlong beses nang nakamit ni PBGen Casimiro ang naturang pwesto sa buong bansa.


Napanatili nito ang unang pwesto mula sa 17 na Police Regional Office sa bansa.

Isinagawa ang ICER nitong October 21, 2019 hanggang January 15, 2020.

Ang ICER ay sukatan sa lahat ng director ng kapulisan sa bansa kung paano nila ito ipatupad ang kanilang tungkulin kabilang ang kanilang mga accomplishments sa kanilang nasasakupan.

Nagpapasamalat naman si PBGen Casimiro sa kanyang kapulisan dahil kung hindi aniya sa kanilang tulong at kooperasyon ay hindi nito nakamit ang naturang parangal.

Facebook Comments